Giant Rubber Duck vs. Giant Golden Chicken, sa Keelung, Taiwan!

2015-04-14 15

Giant Rubber Duck vs. Giant Golden Chicken, sa Keelung, Taiwan!


Ang giant rubber duck ng designer na si Florentijin Hoffman, ay may bagong karibal sa Taiwan: ang giant golden chicken!

Ilang beses nang minalas ang giant yellow rubber duck ni Hoffman, simula nang ito ay magpunta sa Taiwan. Ngayong nasa Jilong ito, ay narumihan ito ng mga dumaraan na barko, sumabog pagkatapos malinis, at nabuhay muli, bago mag-New Year's Eve.

Ngayon, bukod sa pakikipag-agaw sa kanya ng atensiyon ng mga Taiwanese, ng napaka-cute na baby panda na si Yuanzai sa Taipei Zoo, ang giant yellow rubber duck ay may bagong karibal --- ang giant golden chicken!

Kahapin ay dumating ang giant golden chicken sa teritoryo ng giant yellow rubber duck, at nagdala pa ito ng mga dancing lions! Masyado naman ata itong nakakabastos!

Ang giant golden chicken ay ginawa para i-promote ang bagong pelikula mula sa Hong Kong. Ang kakaibang titulo nito ay, "Golden Chickenass," at ang atres na si Sandra Ng ang bida nito. At ang giant golden chicken ay hindi nahiyang makiligo sa teritoryo ng giant rubber duck!

Kung kukumparahin natin ang dalawa, mukhang magkaparehas sila sa size, pero mas magastos ang paggawa sa golden chicken. Pero kahit na mas mura ang rubber duck, mas panalo ito dahil ito ay naglalakbay sa buong mundo!

Itong Chinese New Year holiday, magkakaroon daw ng contest ang dalawa, para malaman kung sino ang mas gusto ng mga tao.

Sino ang mas cute? Ang duck o ang chicken? Mag-iwan ng opinyon sa comments!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH