Uber, dinedemanda ng pamilya ng nasagasaan at namatay na 6-year-old na bata
Ang 6-year-old na si Sofie Liu ay namatay sa San Francisco noong New Year's Eve, nang siya ay nasagasaan ng isang driver ng app-based car service na Uber. Hindi daw napansin ng driver ang batang babae, dahil chine-check niya ang app ng Uber. Sabi ng Uber, hindi sila responsable para sa insidenteng ito.
May naihatid na iilang kliyente ng Uber si Syed Muzaffar nang gabing iyon.
Alas otso ng gabi, nang naglakad si Sofia kasama ang kanyang ina, at nakababatang kapatid na lalake, sa Tenderloin District.
Nag-right turn sa isang green light si Muzaffar, sa Ellis Street, papuntang Pole Street...
Habang tumatawid ng Polk Street si Sofia at ang kanyang pamilya.
Namatay si Sofia, at nasaktan ang kanyang ina at kapatid.
Ayon sa abogado ni Muzaffar, siya raw ay lubos na nalungkot sa mga pangyayari.
Ito ang eksena matapos ang aksidente. Dinedemanda ngayon ng pamilya ni Sofia ang Uber, at ang driver. Ayon sa Uber, hindi nila kasalanan ang nangyari, dahil ang mga driver ay nagta-trabaho lamang para sa Uber kapag may nakasakay na kliyente sa loob ng sasakyan...kahit ginagamit nila ang Uber app para maghanap ng customer kapag wala silang pasahero.
Ano sa tingin niyo? Ang aksidente ba ay kasalanan lang ng driver, o pati ng Uber? Mag-iwan ng opinyon sa comments.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH