Batang babae, namatay dahil sa paputok na Apple Rockets itong Lunar New Year!
Isang 7-year-old na batang babae ang namatay dahil sa paputok na sinindihan ng kanyang tito noong lunes ng gabi, sa Taitung, Taiwan.
Ang babae ay naglalaro ng paputok kasama ang kanyang pamilya noong Lunar New Year holiday. Ang paputok ay nilagay sa isang bote, at dapat ay na puputok pataas na parang rocket. Pero natumba ang bote, at ang matalas na plastic ay nahiwa ang leeg ng bata na parang kutsilyo, nang tumalsik ito mula sa note. Nagkaroon ng 7.5 centimeter na hiwa sa leeg ang bata, na nabulunan ng sarili niyang dugo.
Nagsagawa ng tradisyonal na memorial service ang pamilya ng bata kahapon, kung saan tinawag nila pauwi ang kaluluwa nito, dahil hindi nila matanggap na namatay ito dahil sa paputok. Sa isang interview sa Apple Daily, sinabi ng kapitbahay na narining nila ang paputok, pero hindi nila alam na may nangyari.
Ayon sa pulis, ang sugat sa leeg ng bata ay walang pinag-iba sa kung siya ay hiniwa ng kutsilyo. Inamin ng tito ng bata na ito ay namatay dahil sa hindi inaasahang paglihis ng paputok; siya ngayon ay nakasuhan ng manslaughter. Ang gobyerno ng Taiwan ngayon ay sinasabihan rin na higpitan ang pagbenta ng mga paputok.
Ang paputok na kinamatay ng batang babae ay ang Apple Rockets, na inimport mula sa China ng isang kompanya sa Hsinchu, Taiwan. Ayon sa importer, ang paputok ay may haba na 61 centimeters, at ito ay natatakpan ng isang matalas na plastic shell. Bawat paputok ay may 10 grams ng gunpowder, at ito ay legally certified na produkto. Tinest ng Apple Daily ang lakas ng paputok, at mabilis itong tumagos mula sa cardboard container, pati na rin ang isang 2-centimeter na cut ng pork.
Ayon sa Taitung county fire department, na inimbesitigahan ang shop kung saan binebenta ang paputok, sinabi raw ng may-ari na wala silang binebentang paputok. At kahit na ang Apple Rockets ay legally certified at may kasamang malinaw na safety instructions, iimbestigahan pa rin ito ng mga awtoridad.
Sa isang interview sa Apple Daily Taiwan, sinabi ng director Emergency Response Center ng National Kaohsiung First University of Science and Technology, na ang Apple Rockets ay maaring makabali ng buto kapag mabilis itong tumama sa tao. Ang explosive discharge nito ay delikado rin.
Ayon naman sa isang professor sa National Taiwan Normal Univeristy Department of Physics, and pagtama ng Apple Rocket sa lalamunan ng tao ay katumbas ng pagtama ng isang bagay na nasa limang kilo ang bigat. Sa isa pang interview, isang miyembro ng Child Welfare League Foundation ang nagsabing kailangang seryosohin ng gobyerno ang firework safety, at pag-isipang mabuti ang pag-ban ng mga ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH