Giant baby panda YuanZai, tinamad magtrabaho noong Lunar New Year!
Giant baby panda Yuanzai (圓仔), ayaw magtrabaho noong Lunar New Year?
Ayon sa tradisyon ng Lunar New Year, ang pangatlong araw ay araw ng pagtulog at pagpahinga. Pero para kay YuanZai (圓仔), ang baby panda sa Taipei Zoo, kulang ang isang araw!
Nang dalhin siya ng zookeeper para makipagkita sa mga bisita ng zoo, mabilis itong sumunod sa zookepper pabalik sa care center. Napilitang bumalik ang zookeeper sa tabi ni YuanZai, para amuhin ang ma-dramang baby panda.
Dumating din ang panahon na nagdesisyong maglaro sa isang puno si YuanZai, pero matapos akyatin ang puno ng tatlong minute, ay nakatulog din ito. Siesta time daw kasi!
At para sa mga dumalong bisita para makita si YuanZai, nagpakita ang giant baby panda ng iba't ibang posisyon ng pagtulog.
Ayon sa zoo, oras ng pagtulog ng YuanZai, nang siya ay dinala sa labas para mai-display.
Itong Lunar New Year holiday, ay nakaranas ng 8 percent growth ang Taipei Zoo...salamat sa tamad at antukin na si YuanZai!
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH