Japanese rice cakes, nakamamatay? Tokyo Fire Department, nag-issue ng warning!

2015-04-14 17

Japanese rice cakes, nakamamatay? Tokyo Fire Department, nag-issue ng warning!


Nag-issue ng warning ang Tokyo Fire Department, matapos maisugod sa ospital ang mga bata at matatanda noong New Year holiday, dahil sila ay nabulunan sa pagkain ng rice cake!

Habang ang rice cake ay buong taon namang kinakain ng mga taga-Japan, ito ay tradisyonal na pagkain din tuwing Japanese New Year, at mas maraming kumakain nito sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Iilang dosenang tao na ang na-ospital mula noong Disyembre, at dalawang tao na ang namatay.

Apat na paraan para maiwasang mabulunan sa pagkain ng rice cake ang naka-post sa Tokyo Fire Department website.

Una, hiwain ang mga rice cake sa maliliit na piraso; Pangalawa, huwag agad lunukin ang mga ito; Pangatlo, nguyain ang mga ito nang mabagal at matagal; at Pang-apat, lunukin lamang ang mga ito kapag nanguya na nang matagal at maayos.

Kung may mabulunan sa rice cake, may tatlong first-aid procedures na maaring gawin:

Una, patayuin ang biktima para makahinga sila nang maayos; kapag nakita niyo ang rice cake sa loob ng kanilang bibig, alisin ito sa pamamagitan ng inyong daliri, o chopsticks.

Pangalawa, mabilis at malakas na hatakin paloob at pataas ang abdomen ng biktima. Sundan ang korte ng letter J sa paggawa nito; at tila binubuhat niyo nang kaunti ang biktima. Ito ay parang Heimlich Maneuver.

Pangatlo, maglagay ng manipis na nozzle or nguso sa vacuum bago ito buksan. Gamitin ang vacuum sa paghila at pagsipsip ng rice cake -- pero mag-ingat para hindi masipsip ang dila ng biktima.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH