WARNING: GRAPHIC. Danish zoo, pinatay at pinakain sa leon ang kawawang giraffe!
Ang ating kuwento sa araw na ito, ay magbabago ng inyong pagtingin sa mga progresibo at mahabagin na Scandinavians, na nagmamahal kay Mother Earth...
Kahapon ay pinatay ng Copenhagen Zoo sa Denmark ang isang dalawang taong gulang na si Marius, isang bata at malusog na giraffe -- dahil lamang siya ay may maling genes.
At kasama na dito ang pagpapakain kay Marius sa mga gutom na leon, habang nanood ang mga bisita ng zoo.
Nabigyan daw kasi ang zoo ng advice mula sa European Zoo Association, at pinatay nila ang girafee para maiwasan ang inbreeding. Natakot kasi sila na baka makipagtalik si Marius sa kanyang mga pinsan...at hindi ito pupuwede, dahil marami nang mga giraffe sa zoo ang may parehong genes.
Ang elegante nilang solusyon, ay gumamit ng high-pressure bolt gun, at patayin ang kawawa at walang kamalay-malay na giraffe...sa harap ng mga bata, na nanood habang pinagpiyestahan siya ng mga leon.
Ito raw ay sa ngalan ng siyensiya...pero bakit pipiliing patayin, kung pwedeng buhayin sa ibang lugar? Tinanggihan ng zoo ang iilang mga adoption requests mula sa ibang zoo, at isang offer ng kalahating milyong euros mula sa isang tao na gustong bilhin si Marius.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH