Tatlong Japanese, nahuling namemeke ng mga car crash sa Kansai, Japan!

2015-04-14 5

Tatlong Japanese, nahuling namemeke ng mga car crash sa Kansai, Japan!


Inaresto ng Osaka Police ang tatlong matatandang Japanese na lalaki noong Miyerkules, dahil pineke nila ang iilang dosenang mga car crash mula pa noong 2011.

Ang tatlong lalaki ay naakusahan nang pag-akting nilang driver at pedestrian sa isang crash noong Oktubre.

Dalawa sa kanila ang papalit-palit na nagkunwaring driver, na sinadyang magmaneho patungo sa isa pang kotse, bago sila biglang liliko.

Dahil dito, ang driver ng isa pang kotse ay mapipilitang mag-swerve, at matatamaan niya ang pangatlong miyembro ng grupo, na siya naman hihingi ng 20,000 yen o 200USD bilang kapalit ng pagkabangga sa kanyang ng driver.

Lumabas sa pakikipag-usap nila sa pulis na iilang dosenang beses na pala naisagawa ng grupong ito ang kanilang modus operandi, sa loob ng tatlong taon sa Kansai, Japan, kung saan milyon-milyong yen ang kanilang kinita.

Umamin sa kanilang krimen ang tatlong lalaki, at sinabing gusto lang daw nilang kumita ng pera para makapag-enjoy sila.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH