David Strohm, nakuryente at namatay matapos mag-post ng litrato sa Facebook!
Isang lalaki sa Southern California ang nakuryente at namatay sa labas ng kanyang bahay, matapos niyang akyatin ang isang puno para kumuha ng litratong ipo-post sa Facebook.
Noong Sabado, si David Strohm ay umakyat sa isang puno sa labas ng kanyang bahay sa Tustin, California. Ang puno ay nasa gitna ng dalawang poste, kung saan may nakakabit na power line.
Kinukunan niya ng litrato ang paglubog ng araw, at nag-post siya ng isa sa mga litrato sa kanyang Facebook page, alas sais ng gabi.
Mukhang nagtagal sa puno ang 28-year-old, dahil ayon sa coroner's office, ang oras ng kanyang pagkamatay ay 7:10pm.
Nag-alala ang kanyang pamilya nang hindi nila mahanap si David, kinagabihan noong Sabado.
Kinabukasan, nakita nila ang cellphone niya sa ibaba ng puno.
Ayon sa website ng Southern California Edison, ang kompanya na may-ari ng mga utility poles malapit sa bahay ni David Strohm -- ang mga puno ay hindi maaring itanim nang malapit sa mga power lines, at ang mga puno na itatanim sa ilalim ng power lines at hindi dapat lumampas sa 40 feet ang taas.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH