Lalaking may mental illness, pinatay ang 87 anyos na kapitbahay sa Taiwan!

2015-04-14 7

Lalaking may mental illness, pinatay ang 87 anyos na kapitbahay sa Taiwan!



Isang lalaking may kakaunting mental disability, na si Du, ay sinugod ang bahay ng kanyang kapitbahay para punitin ang kalendaryo nito.

Ang kapitbahay na si Qi at ang kanyang pamilya ay nagsawa na sa ganitong pag-uugali mula kay Du.

Noong Lunes, alas sais ng gabi, ay nagpuntang muli sa bahay ni Qi si Du, para punitin ang kanilang kalendaryo. Sinubukan siyang pigilan g 87-year-old na si Qi, pero tinulak siya ni Du sa sahig, at pinaghahampas siya sa ulo. Dahil dito ay nagkaroon ng brain hemorrhage ang matanda.

Pagdating ng asawa ni Qi, sinigawan niya si Du, at sinabing tatawag siya ng pulis. Sinagot siya ni Du, ng, "wala kang pakialam dito," at umalis mula sa bahay.

Tumayo si Qi at nagawang umupo sa sopa, at sinabi niya na hindi niya kailangang magpunta sa ospital. Pero, pagkalipas ng isang oras, nadiskubre ng anak ni Qi na tumigil na ito sa paghinga.

Ayon sa isa pang kapitbahay ni Qi, paulit-ulit na hinampas ni Du ang matanda, gamit ang isang bagay -- na nasira sa lakas ng paghampas niya sa matanda. Ayon sa kapitbahay, si Du ay parang isang nakawalang hayop.

Natagpuan ng pulis ang six-foot-tall na si Du, na makakasuhan ng murder matapos siyang i-kuwestiyon ng pulis. Ayon sa mga naninirahan sa lugar na iyon, si Du ay madalas na magounta sa bahay ni Qi para lang punitin ang kanilang kalendaryo.

Si Qi, na isang army vet, ay hindi nakayanan ang pag-uugali ni Du. Ikinalungkot at ikinagulat ng mga kapitbahay ang pagkamatay ni Qi.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH