Lalaki, 35, sinaksak at pinatay ang kanyang girlfriend, 17, sa Japan!

2015-04-14 2

Lalaki, 35, sinaksak at pinatay ang kanyang girlfriend, 17, sa Japan!


Isang 17-year-old na high school girl ang sinaksak at pinatay ng kanyang 350year-old na boyfriend, sa isang apartment sa Hachioji, malapit sa Tokyo, noong Miyerkules ng gabi.

Tumawag ang kaibigan ng biktima sa pulis, nang nakita niya ang dugo sa ilalim ng pintuna ng apartment.

Makalipas ang ilang oras, pinasok ng kaibigan, kasama ng pulis, ang apartment ng biktima -- binasag nila ang isang bintana.

Natagpuan nila ang patay na babae na si Haruka Sakurai, nakababad sa sarili niyang dugo, at may mga saksak sa kanyang abdomen at dibdib.

Isang nabaluktot na kutsilyo ang natagpuan nila sa kusina.

Nakatanggap ang pulis ng tawag mula sa pamilya ng biktima nang gabi ring iyon, dahil hindi ito makontak ng kanyang mga magulang.

Sinimulang hanapin ng pulis ang boyfriend ng babae na si Yoshio Nakata.

Kinabukasan, ay kusang sumurrender si Nakata sa police station sa Hiratsuka. Siya ay nag-confess diumano sa kanyang krimen, at kinumpirma rin niya sa pulis ang kanyang relasyon sa biktima.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH