Touch Panel ID Check sa pagbenta ng alak at sigarilyo sa Japan, tatanggalin na!
Sa Japan, ang legal na edad ng pagbili ng alak at tobako at 20.
Itong darating na Marso, ang Aeon Group, ang pangalawang pinakamalaking retailer sa Japan, ay magsisimulang tanggalin ang panel ID checks sa pagbili ng alak at sigarilyo.
Ang 7-Eleven sa Japan ang kauna-unahang chain na gumamit ng touch panel system, noong 2011.
Bagamat tanggap ito ng retail industry sa Japan, ang mga middle-age at nakatatandang mga customer ay hindi natuwa sa sistemang ito.
Noong isang taon, isang 63-year-old na Japanese na lalaki ang nagwala sa galit nang siya ay sinabihang gamitin ang touch panel. Sa kanyang pagkagigil, ay sinuntok niya ang panel.
May mga nagsasabi na ang sistemang ito ay hindi epektibo pagdating sa pagpigil ng pagbenta ng alak at sigarilyo sa mga teenagers.
Pero kaya ginawa ang sistemang ito, ay dahil madalas na magkaroon ng away kapag hinihingan ng mga nagtitinda ng alak at sigarilyo ng ID ang mga customer.
Dahil imposibleng makuntento ang lahat ng tao sa iisang bagay -- ano sa tingin niyo ang solusyon sa issue na ito?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH