Albert Wright, pinatay sa Sabine, Texas - ito ba ay racially motivated crime?

2015-04-14 9

Albert Wright, pinatay sa Sabine, Texas - ito ba ay racially motivated crime?


Si Alfred Wright ay isang 28-year-old na African-American physical therapist, na natagpuang patay noong isang taon, sa parte ng East Texas na kilala para sa racial violence.

Nasira ang pickup truck ni Wright sa Sabine County, Texas.

Nag-park siya sa labas ng isang tindahan at tinawagan ang kanyang asawa na si Lauren, na tinawagan ang magulang ni Wright para sunduin ito.

Pagtawag ulit ni Lauren kay Wright, ang kanyang narinig lang ay ang mabigat na hininga.

Ayon sa mga saksi, matapos ang tawag, ay tumakbo papunta sa gubat si Wright.

Nagsagawa ng search ang Sabine County Sherriff's Office, pero pagkaraan ng apat na araw ay itinigil nila ito dahil nauubusan na daw sila ng resources.

Labing-walong araw ang lumipas bago natagpuan ng ama ni Wright at ng mga volunteers ang katawan ni Wright sa Hemphill. Ang suot lang ni Wright ay ang kanyang underwear, isang medyas kung saan nakapasok ang kanyang cellphone, at sapatos.

Hiniwa ang kanyang leeg, at nawawalan ito ng isang tenga, at dalawang ngipin sa harap ng kanyang bibig.

Ayon sa county autopsy report, ang pagkamatay daw ni Wright ay isang aksidente, ay gawa raw ng droga.

Ayon sa forensic pathologist na kinuha ng pamilya ni Wright, ang preliminary review ng pagkamatay ni Wright ay may ebidensiya ng 'homicidal violence.'

Magbubukas raw ng imbestigasyon ang Department of Justice.

Naniniwala ang pamilya ni Wright na siya ay biktima ng isang racially-motivated crime. Si Wright ay galing sa Jasper, isang lugar kung saan isang African-American na lalaki ang pinatay ng mga white supremacists, labinlimang taon nang nakalipas.

Si Wright ay ang breadwinner ng kanyang pamilya, at nangangailangan ng donasyon ang kanyang asawa's tatlong anak. Kung gusto niyong tumulong, magpunta po sa Alfred Wright Foundation sa GoFundMe.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH