Lalaki sa Tokyo, sinaksak ang kanyang ex dahil ayaw makipagbalikan sa kanya!
Isang 49-year-old na Japanese na lalaki ang naaresto noong Huwebes, dahil sinaksak niya diumano ang isang 52-year-old na babae.
Ang naakusahan na si Satoru Ishizaki, ay ang ex-boyfriend ng biktima.
Noong Hulyo pa raw nagsimulang mag-report sa pulis ang babae, na siya ay sina-stalk ni Ishizaki. Limang beses niya itong nireport.
Si Ishizaki ay nakasuhan ng pagtutok sa biktima ng kutsilyo, at pinilit itong makipagbalikan sa kanya.
Bago nagkasakitan, binalaan pa ng pulis si Ishizaki na layuan ang kanyang ex-girlfriend -- at pinapirma pa ang kanyang pangako sa isang papel.
Hatinggabi noong Miyerkules, nang sinaksak ni Ishizaki ang biktima, at tumakas mula sa eksena. Siya ay nahanap ng pulis kinabukasan, sa bahay ng isang kamag-anak.
Umamin si Ishizaki sa attempted murder; siya raw ay nawalan ng kontrol nang tumanggi ang babae na makipagbalikan sa kanya. Nagsisigaw daw ang babae nang nakita niya ang kutsilyo sa kamay ni Ishizaki, at hindi raw niya namalayan na nagawla na pala niyang saksakin ang biktima.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH