Lalaking bingi, tinaser at binugbog ng pulis na hindi marunong mag-sign language!
Si Jonathan Meister ay isang hearing-impaired na lalaki mula sa Hawthorne, California -- at dinedemanda niya ang apat na police officers, na ilang beses daw siyang tinaser nang walang dahilan, noong February 13, 2013.
Nangyari ang insidente, alas sais y medya ng gabi, habang si Meister ay kinukuha ang iilang mga kahon na naiwan niya sa bahay ng kanyang kaibigan. Napagkamalan siyang magnanakaw ng kapitbahay, at tumawag sa pulis.
Dahil hindi sila narinig ni Meister, hinatak ng pulis ang braso nito. Nagtangkang mag-sign language si Meister, na napagkamalan namang pakikipaglaban, ng mga pulis.
Sinuntok at sinipa daw ng pulis si Meister, at may dumating na dalawa pang pulis sa eksena.
Tinaser daw siya ng isang pulis, at nang nakita nilang hindi pa tuluyang nawalan ng malay si Meister,
Ay tinaser pa daw siya ng tatlong beses, at binugbog siya hanggang sa nawalan na nga siya ng malay.
Sinamahan daw siya ng pulis sa ospital, kung saan nakasuhan pa si Meister ng pag-asulto sa mga pulis. Nai-drop din ang kasong ito.
Dinemanda ng Greater Los Angeles Agency on Deafness, para kay Meister, ang Hawthorn Police Department -- dahil hindi nila nirespeto ang civil rights ni Meister, sa ilalim ng Americans with Disabilities Act.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH