BASE jumper Shane McConkey, hinahanap ng mga awtoridad!

2015-04-14 6

BASE jumper Shane McConkey, hinahanap ng mga awtoridad!



Hinahanap ng mga awtoridad sa Canada ang lalaking ito.

Ito ang Whistler Blackcomb, isang ski resort sa British Columbia, Canada.

At ito ang kanilang Peak 2 Peak Gondola, na sa pinakamataas na punto, ay may 1,430 feet mula sa lupa.

Nang bumukas ang gondola noong 2008, ang pro-skier at BASE jumper na si Shane McConkey ay tumalon mula doon.

At noong February 2011, ang video na ito ay napost sa YouTube.

Ang babaeng ito, at si Shane, na may camera na nakakabit sa kanyang ulo, ay sumakay sa gondola, at binuksan ang pinto, na mahirap at magastos palang ipaayos.

Makikita natin na pareho silang excited.
At tumalon si Shane.

Sa mga hindi nakakaalam, ang BASE jumping ay isang sport kung saan tumatalon mula sa kahit na anong bagay ang mga tao. Ang BASE ay Building, Antenna, Span, at Earth. Ang gondola ay hindi kasama sa acronym na ito.

Nag-land si Shane, at hindi siya namatay. At posibleng siya mismo, o ibang taong may access, ang nag-post ng video, na nasa kamay na ngayon ng mga awtoridad.

Ilegal ang pagtalon mula sa mga gondolas sa Whistler, at mas lalong ilegal ang pilit na pagbukas ng pinto ng mga ito.

Nahanap na at naaresto ang babae sa video. Sa ngayon, ay hindi pa nahahanap ang jumper.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH