Japanese bakery Yamazaki, namigay ng pagkain sa mga na-stranded sa snow!
Isang malaking snowstorm ang tumama sa Tokyo noong isang linggo, at maraming driver ang na-stuck sa freeway nang maraming oras. At dahil dito, namigay ng tinapay sa mga na-stranded na motorist ang mga delivery driver para sa Yamazaki Bread, isa sa pinakamalaking bakery sa Japan.
Habang bumabagsak ang nyebe noong Valentine's Day, sa Dangozaka rest area na malapit sa Otsuki Interchange, mabilis na nawalan ng pag-asang makarating sa kanilang pupuntahan ang mga driver sa kalsada.
Ilang oras din silang nanatili sa kanilang mga sasakyan, dahil sa snow.
Bukod sa libreng tinapay at rice dumplings mula sa Yamazaki, namigay rin ng libreng pagkain para sa isang libong tao ang rest area.
Ayon sa isang Twitter user, ang mga Yamazaki delivery driver ay parang ang anime hero ng mga Japanese na bata, na si Anpanman, na binibigyan ang kanyang mga kaibigan ng energy, sa pamamagitan ng pagkain sa kanyang ulo, na gawa sa tinapay.
Tinawag rin ito ng ibang Twitter users na "Yamazaki Snow Bread Festival," at umangat nang husto ang stock price ng kompanya matapos kumalat ang balita.
Ang mabigat na nyebe ang nagpahinto sa pag-deliver ng mga produkto sa Yamanashi Prefecture. Nagpadala ng emergency delivery ang 7-Eleven, sa pamamagitan ng dalawang helicopter.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH