Cambodian na lalaki, hinukay at ni-rape ang bangkay ng isang teenager na babae!

2015-04-14 8

Cambodian na lalaki, hinukay at ni-rape ang bangkay ng isang teenager na babae!



Isang Cambodian na necrophiliac ang nahuli ng pulis noong isang linggo, matapos niyang ihukay ang bangkay ng isang teenager na babae -- at nakatulog pa siya sa loob ng kabaong matapos niyang makipagtalik sa bangkay!

Ang suspect na si Chin Chean, 47 years old, ay nagpunta daw sa libing ng 17-year-old na babae sa Prey Veng long Huwebes.

Kinabukasan, ay bumalik siya sa libingan nang lasing, at hinukay ang kabaong ng babae.

Nabuksan diumano ni Chean ang kabaong, at naitanggal ang damit mula sa bangkay ng babae...

Pero naliitan siya sa kabaong, at alam niyang hindi niya magagawa ang nais niyang gawin sa loob nito.

Nagulat ang mga tao nang nakita nilang nakalabas sa libingan ng babae ang paa ni Chean, kinabukasan.

Mabilis siyang naaresto, at napaamin ng mga awtoridad.

Ayon sa mga pulis, si Chean ay may reputasyon bilang isang kakaibang tao, na maari ring naimpluwensiyahan ng droga. Gawain na niya ang magtatakbong nakahubad sa harap ng maraming tao.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH