Pulis sa Georgia, binaril ang isang teenager na may hawak na Wii controller!

2015-04-14 2

Pulis sa Georgia, binaril ang isang teenager na may hawak na Wii controller!



Ang Bureau of Investigation sa Georgia ay iniimbestigahan ang isang shooting incident, kung saan nasangkot ang isang police officer, at isang teenager na lalaki...at isang Nintendo Wii controller.

Nangyari ang insidente sa Eagle View mobile home park sa Euharlee, Georgia.

Ayon sa mga eyewitness, ang 17-year-old na si Christopher Roupe ay naglalaro ng video games, at manonood sana ng sine noong Biyernes ng gabi.

Dalawang police officers ang nagpunta sa bahay, para maisagawa ang isang probation violation warrant para sa ama ni Chris.

Kumatok sa pinto ang mga pulis.
Ayon sa abogado ng pamilya, lumapit sa pinto si Chris, hawak ang Wii controller. Walang sumagot nang nagtanong siya kung sino ang kumatok.

Nang binuksan ni Chris ang pinto, agad siyang binaril sa dibdib ng isang babaeng police officer.

Ayon sa pulis, sinagot daw ni Chris ang kanilang katok, hawak ang isang BB gun, at tinutukan ang babaeng officer, na napilitang barilin siya sa self-defense.

Narinig ng mga kapitbahay ang baril, at sumugod sa eksena. Ang babaeng officer, na alam ang kanyang pagkakamali, ay umiyak at sinabing akala niya ay may hawak nab aril si Chris.

Si Chris ay miyembro ng ROTC sa Woodland High school, at nangarap na maging isang Marine. Mahal siya ng kanyang pamilya't mga kaibigan, na tinawag siyang "Bubba."

Ang babaeng officer ay nailagay na sa administrative leave, habang iniimbestigahan ng GBI ang kasong ito.

Ano sa tingin nyo? Ito ba ay murder, o self-defense? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH