Lalaki, nahulog nang 25 feet habang nagsa-skywalk at kumukuha ng selfie!

2015-04-14 2

Lalaki, nahulog nang 25 feet habang nagsa-skywalk at kumukuha ng selfie!



Ang Skywalking ay isang internet extreme sport, kung saan kumukuha ng selfies ang mga taong nakatayo o nakasabit mula sa matataas na lugar. Obviously, maraming maaring mangyari sa delikadong sitwasyon na gaya nito.

Isnag lalaki ang sinubukan ito, bandang alas kuwatro ng madaling araw, sa isang scaffolding sa Shepton Mallet, sa Somerset, England.

Kasama niya ang isa niyang kaibigan, nang sinubukan niyang kumuha ng selfie mula sa taas na may 25 feet...

Nahulog siya, at natural ay hindi siya gumamit ng safety equipment.

Tumakbo paalis ang kaibigan, pero bumalik din ito para kausapin ang pulis. Ayon sa mga awtoridad, ang lalaking nahulog ay nakaranas ng sakit sa buong katawan, mas lalo na sa leeg at likod.

Ayon sa scaffolding company, ang viaduct, na kasalukuyang inaayos, ay sarado sa mga sasakyan, pero bukas sa mga pedestrians. Hindi na sila pumayag na mag-comment sa mga pangyayari.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH