Lasing na driver, sinuhulan nang tatlong beses ang mga pulis sa NYPD!
Kung kayo ay tatanga-tangang magmaneho pagkatapos makainom, huwag niyo na sanang sabayan ng antok! At, huwag ding suhulan ang pulis kapag kayo ay nahuli sa akto.
Ito ang ginawa ng 35-year-old na si Alcides Gonzabay, ng White Plains, New York. Nahuli siya ng pulis na natutulog sa kanyang umaandar pang sasakyan, na may laman na iilang bote ng alak.
Matapis niyang sabihin sa pulis na siya ay nag-cocaine bago uminom at nagmaneho sa highway...
Hiniling pa niya na ihatid siya ng mga pulis sa kanyang bahay, kapalit ng halagang 40,000USD, dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang ina na nakakulong sa bilangguan.
Si Gonzabay ay umihip ng 0.29 sa breathalyzer, at dinala sa ospital, kung saan siya nanatili ng ilang oras.
Sinuhulan niyang muli ang mga pulis pagdating nila sa presinto -- inalok niya ang mga ito ng 50,000USD at ng mga mamahaling relo mula sa safe sa kanyang bahay.
Ang kanyang pinakahuling offer ay 20,000USD, para sa dalawang narcotics officers, na sinabihan niyang kausapin ang arresting officers para siya ay mapakawalan.
Buti na lang, at tinanggihan ng pulis sa NYPD ang lahat ng ito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH