Drug smugglers, ginagamit ang online shopping sa pagpapadala ng droga!
Inaresto ng pulis sa Yokohama ang dalawang lalaking nag-smuggle ng marijuana, habang nagkukunwaring nagpapadala ng mga maling produkto sa mga taong nag-order sa internet.
Isang babaeng nasa kanyang 20s ang nag-order ng isang designer bag. Nagkamali daw ng padala sa kanya ang US seller, na nagpadala ng package na puno ng marijuana.
Bago nakuha ng babae ang package, nakatanggap siya ng email mula sa US seller, na humingi ng paumanhin sa pagpapadala ng maling produkto.
Sinabi pa ng seller sa email, na ipadala daw ng buyer ang package sa isang 29-year-old na lalaking naninirahan sa Tokyo.
Nakasuhan ang dalawang lalaki ng limang kaso ng pag-file ng sports equipment shipment na may laman na marijuana; ng pag-smuggle ng halos apat na kilong marijuana, na nasa halagang 19 million yen o 190,000 USD. May joint investigation ang Tokyo Customs at police para mapigilan ang drug smuggling sa Japan.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH