Japanese na lalaki, naaresto para sa pagtapon ng basura sa isang tokyo library!
Isang matandang lalaki sa Japan ang naaresto noong Biyernes, dahil ilang beses siyang nagtapon diumano ng pagkain sa loob ng return book box ng isang aklatan, sa Tokyo.
Ang lalaki na si Tatsumi Kaneyuki ay nahuling nagtatapon ng hindi niya naubos na curry rice, sa kahon kung saan binabalik ng mga tao ang kanilang hiniram na libro mula sa Nippori Library sa Arakawa.
Humaharap ngayon ang 61-year-old sa mga kriminal na kaso, matapos siyang makasira ng anim na libro.
Mula pa noong Enero, ay nag-report na ang aklatan ng ganitong insidente sa pulis, at napilitan silang itapon ang animnapung nasirang libro.
Nagtago ang mga pulis at hinintay na bumalik ang suspect, na sinabi sa pulis na akala niya ay basurahan ang library box.
Samantala, may insidenteng nai-report na hindi konektado sa kasong ito, kung saan tatlong daang kopya ng Anne Frank: the Diary of a Young Girl ang sinira sa iba't ibang mga municipal library na matatagpuan sa Tokyo.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH