PETA, nag-protesta nang halos-hubad laban sa China Southern Airlines sa Taiwan!

2015-04-14 26

PETA, nag-protesta nang halos-hubad laban sa China Southern Airlines sa Taiwan!



Mga halos-hubad na aktibista, prinotesta ang kalupitan laban sa mga hayop.

Ang animal rights group na PETA, People for the Ethical Treatment of Animals, ay nag-stage ng isang rally sa Taipei noong Martes.

Sila ay nag-protesta sa harap ng opisina ng China Southern Airlines -- ang kanilang pino-protesta ay ang paglipad ng airline ng tatlong daan at animnapung unggoy, papunta sa Chicago, kung saan sila'y dinala sa isang lab sa Virginia, para isagawa ang animal testing.

Ang campaign leader na si Ashley, na mula sa Canada, ay nagpunta sa protesta nang halos nakahubad, para ipakita ang kanyang determinasyon sa pag-protekta sa mga hayop. Ang mga guhit sa kanyang katawan ay para ipakita ang kalupitan ng airline laban sa mga hayop.

Ang protesta ay nakakuha rin ng suporta mula sa mga tao sa Taiwan.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH