Babaeng lasing, tumawag sa 911 para makipag-sex sa pulis!

2015-04-14 12

Babaeng lasing, tumawag sa 911 para makipag-sex sa pulis!



Minsan, gaya ng nangyari kay Maria montenez-Colon ng Punta Gorda, Florida, ang pagtawag ng 911 ay nauuwi lang sa mas malaking gulo. Nakulong si Maria dahil sa kanyang pagnanasa sa pulis.

Ang lasing na 58-year-old na biyuda ay pinagpapantasyahan diumano ang pakikipag-sex sa mga police officers.

Kaya naisipan niyang humingi ng tulong sa 911.

Dumating ang isang officer, para lang mapag-trip-an ni Maria.

Kinuha daw ni Maria ang kamay ng officer at pinag-hihipo daw ang dibdib nito.

Pagkatapos, ay hiniling ni Maria na sila ay mag-sex! Kalmadong tumanggi ang officer, at snabihan siyang kontakin ang police department sa pamamagitan ng non-emergency line.

Pero tumawag muli sa 911 si Maria, para magreklamo. Bumalik ang officer, kasama ang isa niyang katrabaho, at nagdala siya ng handcuffs, na malamang ay hindi ginamit ayon sa imahinasyon ni Maria.

Ayon sa officer, sinabi raw ni Maria na tumawag siya ng pangalawang beses sa 911 dahil nagalit siya nang siya ay tanggihan ng officer na makipag-sex. Si Maria ay dinala sa Charlotte County Jail.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange