Dash cam video na itinago ng pulis, nalinis ang pangalan ni DJ Marcus Jeter!
Ang New Jersey DJ na si Marcus Jeter ay naaresto sa traffic stop na ito noong 2012, at nakasuhan ng eluding police, resisting arrest at assault. Ang prosekusyon, na napanood ang video na ito, ay nais siyang makulong nang matagal. Pero may isa pang dash cam video ang itinago ng mga pulis.
Nangyari ang insidente sa isang traffic stop sa Garden State Parkway. Sinundan ng Bloomfield police si Jeter, matapos siyang ma-interview sa kanyang bahay, dahil sa isang domestic violence na insidente, kung saan walang kaso ang nasampa. Huminto naman si Jeter.
Naglabas ng baril ang dalawang pulis. Hindi bumaba mula sa kotse si Jeter dahil siya ay natakot. Ang pulis sa kanan niya ay tinutukan siya ng baril, samantalang ang pulis sa kalawa ay may shotgun.
Isa pang police car ang tumawid at hinarap ang parating na traffic, at binangga ang kotse ni Jeter.
Sa dash cam video na itinago ng pulis sa prosekusyon, makikitang nakataas ang kamay ni Jeter -- at sinuntok ng pulis ang bintana ng kotse nito. Pagkatapos, sinuntok ng isang pulis si Jeter.
Hinatak ng mga pulis si Jeter mula sa kotse at binugbog ito. Sinigawan nila si Jeter para sa resisting arrest, na hindi naman niya ginagawa.
Nang ipakita ang pangalawang video sa korte, napawalang-bisa ang lahat ng kaso laban kay Jeter, at ang Bloomfield police officers na sina Orlando Trinidad at Sena Courter ay nakasuhan ng falsifying reports, conspiracy, aggravated assault at official misconduct. Pareho silang nag-plead ng not guilty.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH