Doktor sa Canada, inabuso ang 21 babaeng pasyenteng kanyang pinatulog!

2015-04-14 5

Doktor sa Canada, inabuso ang 21 babaeng pasyenteng kanyang pinatulog!



Isang Canadian na doktor, na seksuwal na inabuso ang dalawampu't isang pasyente, habang sila ay under sedation, ay nasentensiya nang sampung taon sa bilangguan.

Ang 65-year-old na anaesthesiologist na si George Doodnaught ang umabuso sa mga babae, na nasa edad na 25 to 75, habang ginagamot ang mga ito.

Karamihan sa pag-abuso ng doktor ay nangyari habang nagta-trabaho ang ibang medical staff, at natakpan lang sila ng surgical drape. Ito ay nangyari mula 2006 hanggang 2010.

Sa trial, ipinaglaban ng defence na ang mga gamot na ginamit sa pagpapatulog sa mga pasyente, ang nagbigay sa mga ito ng PANAGINIP na sila nga ay seksuwal na naabuso.

Buti na lang at hindi ito umubra sa judge, at si Doodnaught ay maaring magantihan sa bilangguan...nang walang sedation!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange