Snowboarder, nagsimula ng avalanche; 3 tao nabaon nang buhay sa Missoula, Montana!
Isang naligaw na snowboarder ang muntikan nang mapahamak ang tatlong taong natabunan nang buhay sa ilalim ng isang avalanche noong Biyernes ng hapon...
Nang nagbuhos ng nyebe at yelo ang Mount Jumbo, na nagwasak sa mga bahay sa siudad ng Missoula, sa western Montana.
Ang siudad ay nakapuwesto sa ilalim ng Mount Jumbo, na may limang libong talampakan ang taas.
Dahil hindi niya alam na banned ang snow sports sa taas ng bundok, nag-spark ng isang snowslide ang snowboarder.
Sa ibaba ng bundok, pinanonood ni Erin Scoles ang kanyang mga anak na naglalaro sa kanilang bakuran....nang biglang natabunan ng yelo at nyebe ang 8-year-old na si Phoenix at 10-year-old na si Coral.
Dalawang senior citizens ang natabunan din nang nasira ng yelo ang kanilang bahay.
Naligtas ni Coral ang kanyang sarili sa pamamagitan ng isang air pocket sa yelo, at nagtulungan ang mga tao na hanapin ang mga natabunan.
Salamat sa isa pang air pocket sa yelo, nanatiling buhay si Phoenix at ang dalawnang matanda, at sila ay naligtas.
Nang namalayan ng snowboarder ang nangyari, sumali ito sa rescue efforts. Ayon sa mga awtoridad, nag-aalala sila na ang nyebe sa itaas ng Mount Jumbo ay maaring makagawa ng isa pang avalanche.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH