Eroplano, nag-crash landing sa isang sementeryo sa Canada!
Isang maliit na eroplano ang natabunan ng yelo, at nag-crash sa isang sementeryo sa Yarmouth, Nova Scotia, Canada, noong Linggo.
Si David Arenburg, 54, ay nililipad ang isang 1946 Piper Cub...
nang nabalot sa yelo ang carburetor ng eroplano, at namatay ang engine.
Sinubukan ni Arenburg na mapa-landing sa airfield ang eroplano...
Pero masyadong malayo ang airfield, at napilitan siyang mag-landing sa isang sementeryo.
Naghanda siya para sa pagtama ng eroplano sa mga libingan, pero tumama siya sa isang puno.
At kahit nawasak ang eroplano, si Arenberg ay hindi nasaktan!
Iyon nga lang, siya ngayon ay na-stuck nang siyam na metro mula sa nagyeyelong lupa.
Tumawag sa 911 ang mga saksi, at mabilis na dumating ang mga firefighters para maligtas si Arenberg mula sa puno. Kahit na masaya siya at siya ay hindi namatay, meron pa rin siyang problema.
Sinabihan na siya ng pulis na tanggalin ang kanyang sasakyan, na kasalukuyang naka-park pa rin sa itaas ng sementeryo.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH