Japanese volunteers, tinanggal ang anti-Korean graffiti sa Tokyo!

2015-04-14 3

Japanese volunteers, tinanggal ang anti-Korean graffiti sa Tokyo!



Nagtulungan ang mga volunteers noong Linggo, para linisin ang mga bastos na anti-Korean messages at graffiti sa ethnic Korean neighborhood ng Okubo, sa Tokyo, Japan.

Habang hindi nag-stage ng anti-Korean demonstrations sa lugar na iyon ang mga far-right groups mula pa noong Setyembre,

Naka-engkwentro pa rin ng anti-Korean graffiti sa halos limampung location sa loob ng neighborhood ang nagpa-patrol na citizen groups, na gaya ng Norikoenet.

Pinag-usapan ng mga grupo ang issue na ito, kasama ang mga awtoridad sa Shinjuku ward police station sa Tokyo.

Ginamit din nila ang social media, pati ang Twitter, para isumpa ang mga graffiti laban sa mga Koreano.

Hinugasan ng grupo ang mga palatandaan ng tindahan, pader, at iba pang lugar na nababoy ng pintura at markers.

Isang Japanese na volunteer na tumulong sa pagbura ng graffiti ang nagsabi na ang graffiti mismo ay hindi magandang tingnan, anuman ang mensahe nito, at umaasa siyang ang lipunan ng Japan ay magsasama-sama sa pagtayo laban sa diskriminasyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange