VIDEO: Bastos na Australiana, nagnakaw, nambugbog ng matandang lalaki sa bus!
Kilala bilang 'ratchets' sa US, at 'chav' sa UK,
Ito sina Lana Watmough at Layni Cameron...'slags' sa Australia.
Inatake ng mga ito ang isang 77-year-old ba lalaki sa isang Gold Coast bus noong Martes, sa Queensland.
Ang asulto, na dala ng pagka-rasista ng dalawang babae, ay nai-record ng isang 13-year-old na pasahero ng bus, at mabilis itong kumalat sa social media.
Sinira pa ng 21-year-old at 17-year-old na babae ang salamin na suot ng kawawang matanda,
Bago sila pinilit ng isa pang pasahero na bumaba ng bus.
Bago siya binugbog ng mga babae, hiniling ng biktima na si Paul Buttigieg, na tumigil sila sa pagmura sa bus.
Limang araw lamang ang nakalipas nang itong si Cameron, na 17 years old, ay ninakawan ang isang convenience store, gamit ang isang kutsilyo. Nakakuha siya ng 400 dollars, at ginamit niya ang pera sa isang luxury hotel. Nahanap din siya ng pulis, at umamin siya sa kanyang krimen.
Sumurrender ang dalawang babae sa Coolangatta police, at nakasuhan na ng assault at public nuisance.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH