Kunming massacre sa China: 30 patay,130 nasaktan

2015-04-14 10

Kunming massacre sa China: 30 patay,130 nasaktan


Isang grupo ng taong nakasuot ng itim, at may hawak na mga malalaking kutsilyo at machete ang umatake sa mga tao, sa isang train station sa Kunming, China, noong Sabado.

Ayon sa mga report, ang death toll ay lumampas na sa 30,000, at lampas isang daong tao ang nasaktan.

Binaril ng pulis ang lima sa mga attackers, at kasalukuyan nilang hinahanap ang iba pang mga suspect.

Ang mga attackers ay nagsuot ng itim na damit, at tinakpan ang kanilang mga mukha ng maskara, bago nila sinugod ang masikip na train station, 9:20 ng gabi. Hatinggabi na nang hinarang ng pulis ang daanan sa station.

Makikita sa mga litrato ang madugong resulta ng karumal-dumal na krimen.

Ayon sa isang saksi, narinig niyang nagsisigaw ang mga tao, at sumunod siya sa ibang mga tao sa pagtakbo sa train station para tumakas mula sa gulo. Nakita raw niya ang isang matangkad na lalaking naka-maskara, at may hawak na machete, na nananaksak ng mga tao.

Ayon sa isa pang saksi, nagpaputok daw ng tear gas ang pulis sa mga suspect, bago sila nag-open fire.

Ayon sa mga opisyal, planado ang krimen na ito, at sinisi niloa ang mga Xinjiang separatists para dito.

Ayon sa state media, ito raw ay ang 9-11 ng China, at kailangang tigilan ang mga terorista sa bansa.

Ayon sa presidente ng China na si Xi Jinping, "all-out efforts" ang ginagawa ng gobyerno para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng insidenteng ito.

Kabilang sa mga efforts na ito ang pagtayo ng checkpoints ng mga pulis sa bawat sulok ng Kunming, para masigurong walang makakatakas na suspect.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange