Pulis sa Alabama, binaril ang isang airman na walang dalang armas!
Pulis sa Alabama, binaril ang isang serviceman na walang kinakargang armas.
Barilan muna, bago mag-usap -- iyan ang gawain ng maraming pulis ngayon...at ang 20-year-old na Air Force Airman 1st Class na si Michael Davidson ang bago nilang biktima. Siya ay nabaril sa tiyan, matapos ang isang traffic accident. Ito ang mga pangyayari, ayon kay Davidson.
Nagmamaneho pabalik sa air force base sa North Carolina si Davidson, nang natamaan niya ang isang 18-wheeler na papunta sa kabilang lane.
Nagpalitan ng insurance info si Davidson at ang driver ng truck.
Mabilis na nakarating sa eksena ang mga pulis, pero hindi sila namalayan ni Davidson...
Hanggang sa nakita niya ang ilaw ng police car, pabalik sa kanyang kotse. Hinarap niya ang pulis, at tinaas ang kanyang mga kamay.
At doon siya binaril sa tiyan ni Officer Phillip Hancock!
Ayon kay Davidson, sinearch pa ng mga pulis ang kotse niya habang siya ay nakahiga at nagdurugo sa kalsada.
Siya ngayon ay nagpapagaling sa ospital, matapos siyang operahan. Hindi raw niya alam kung bakit siya binaril ng pulis, kung ang hawak niya lang ay ang kanyang wallet. Maraming tanong tungkol sa gabing iyon ang hindi pa nasasagot, at ayon sa ama ni Davidson, kakaunting tulong lamang ang natatanggap nila mula sa pulis.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH