Village chief sa Taichung, Taiwan, seksuwal na inabuso ang kanyang inaanak!
Matandang village chief, pinagsamantalahan ang inaanak na babae
Isang 51-year-old na village chief sa Taichung, Taiwan, na nagngangalang Liu, ay madalas na tulungan ang isang single mother. Sinusuportahan niya ang panggastos nito, at itinuring na sarili ang anak nitong babae.
Kailan lang, ay inutusan ng ina ang kanyang anak na babae na humiram ng pera mula kay Liu.
Nang nakita ni Liu ang dalaga nang babae, humingi siya ng sexual favors mula sa babae, bilang pambayad sa tulong na binigay niya sa kanilang mag-ina, mula pa noong siya ay bata.
Dalawang beses niyang dinala ang babae sa hotel, at binigyan ito ng 3,000NT.
Nang umabot ng 18 years old ang babae, ni-report niya ang village chief sa pulis.
Sinabi ni Liu sa pulis na hindi siya tinanggihan ng babae, kaya wala siyang kasalanan.
Pero ayon sa babae, napilitan siyang gawin ang lahat ng hiniling ni Liu dahil walang pera ang kanyang pamilya.
Si Liu ngayon ay nakasuhan ng iilang mga sexual offenses, at maaring makulong nang anim na buwan hanggang limang taon.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH