VIDEO: Police officer, inatake ng isang mentally ill na pasahero ng tren!

2015-04-14 4

VIDEO: Police officer, inatake ng isang mentally ill na pasahero ng tren!



Pasahero ng Septa, nagwala -- inaway at tinagkang kunin ang baril ng pulis!

Sa surveillance video na ito, mula sa South East Pennsylvania Transit Authority, maayos naman ang lahat sa platform ng Broad at Fairmont.

Hanggang sa dumating ang SEPTA officer na ito, at hinila ang isang lalaking pinaghihinalaang mentally ill, at high sa PCP, pababa ng tren -- dahil sinabi niyang babarilin niya ang ibang mga pasahero.

Pagkatapos, ay biglang inatake ng lalaki ang officer, na imbes na gamitin ang kanyang baril, ay gumamit ng pepper spray at baton para labanan ang kanyang attacker.

Napaka-intense ng kanilang away, at hindi nagpapaawat ang attacker. Nang napatumba niya ang officer, tinangka nitong kunin ang baril ng officer, pero hindi niya ito matanggal mula sa holster.

Sa wakas, ay tinulungan ng iilang mga witness ang officer. Nakatakas ang attacker, pero mabilis din siyang nahuli at naaresto.

Parehong nadala sa ospital ang officer at attacker; ang mentally ill na lalaki ay nakasuhan nan g assault.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH