Malaysian Airlines Flight MH370: Captain Zaharie Ahmad Shah, iniimbestigahan

2015-04-14 5

Malaysian Airlines Flight MH370: Captain Zaharie Ahmad Shah, iniimbestigahan!


Captain ng flight MH370, may homemade na flight simulator sa kanyang bahay!

Salamat sa bagong impormasyon tungkol sa nawawalang Malaysian Airlines flight MH370, ang focus ngayon ng mga imbestigador ay nasa mga piloto ng eroplano.

Umalis mula sa Kuala Lumpur ang flight MH370, sakay ang 227 na pasahero, at 12 na crew members, 12:41am noong March 8.

Noong 1:21am, nawala ang eroplano sa radar ng civil air traffic control. Ang transponder ng eroplano, na nagtra-transmit ng location at altitude, ay na-switch-off din.

Si Captain Zaharie Ahmad Shah, ama ng tatlong anak at isa ring lolo, ay nasimulang magtrabaho sa Malaysian Airlines noong 1981.

Gumawa ng video ang kanyang pamilya't kaibigan, kung saan tinawag nila itong isang taong minamahal ng marami.

Pero lumabas ang balita na ang asawa't tatlong anak ng captain ay umalis sa kanilang mamahaling tirahan sa Kuala Lumpur, sa araw din na nawala ang eroplano.

Nadiskubre rin ng mga imbestigador ang isang homemade na Boeing 777 flight simulator, sa bahay ng captain.

Noong Sabado, ni-raid ng pulis ang bahat ng captain at kinumpiska ang flight simulator.

Pero sa ngayon ay hindi pa nakakakuha ng ebidensiya ang pulis na si Captain Shah ay sangkot sa foul play.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange