Lalaki, nahuling ng asawa na dine-date ang sarili niyang anak!

2015-04-14 5

Lalaki, nahuling ng asawa na dine-date ang sarili niyang anak!



Babae, nabuking na nagde-date ang kanyang asawa at anak -- salamat sa isang dating app!

Maraming iba't ibang dating apps ang pwede mong i-download sa iyong smartphone. Mayroon pa nga na sa isang yugyog lang ng phone, ay may makaka-date ka na.

Ito ang ginawa ng 40-year-old na may asawang si Chang, sa China. Sinabi niya sa kanyang naka-date na 20-year-old na babae, na siya ay 30, single, at mayaman.

Madalas na maka-text ni Chang ang babae, na napansin ng kanyang asawa.

Isang gabi, , matapos kumain ng dinner, nagsabi si Chang sa kanyang asawa na aalis lang siya sandali.

Sinundan siya ng kanyang asawa, hanggang sa isang hotel. Kinatok ng asawa ang kuwarto sa hotel.

Pagbukas ni Chang ng pinto, sumugod sa loob ang kanyang asawa at pinagmumura ang babae sa kama. Pagkatapos ay nakilala niya ang babae...ito pala ay anak nila ni Chang!!!

Pinaghahampas ng babae si Chang, hanggang sa dumating ang pulis. Sabi ni Chang, hindi raw niya alam na ang ka-chat niya pala ay sarili niyang anak!

Hello? Okay ka lang?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH