NFL, humihingi ng $16.6 million, kapalit ng pagbigay ni M.I.A. ng middle finger sa Super Bowl 2012!
NFL, dinedemanda si M.I.A. dahil binigyan niya ng middle finger ang mga nanood ng Super Bowl!
Hindi namin akalain na magkakaganito ang away sa pagitan ng NFL at ng British artist na si M.I.A.
Imbes na itapon ang kanilang lawsuit laban kay M.I.A., na nagbigay ng middle finger sa mga nanonood ng 2012 Super Bowl, nagdesisyon ang NFL na itaas ang presyo na kanilang hinihingi -- hanggang sa umabot na ito ng halos 17 million US dollars.
Nagdagdag sila ng 1.5 million USD sa original na presyong kanilang itinakda, at mas mataas ng 10 million, sa presyong kakayanin ni M.I.A.
Paano nila naisipan ang 17 million? Ayon sa NFL, binigyan ni M.I.A. ng middle finger ang 110 million na manonood, bilang parte ng isang publicity stunt.
Kaya hinihingi nila ang katumbas ng kung magkano ang igagastos ng isang advertiser, para sa dalawang minutong performance ni M.I.A., na walang bayad, kasama si Madonna at Nicki Minaj.
Hindi sineryoso ni M.I.A. ang pagdemanda sa kanya ng NFL. Sa Twitter ay pabiro pa itong humingi ng tulong mula kay Madonna,
At sinabi niya rin na ang pagdemanda sa kanya ay walang basis sa law, fact, o logic. Para sa amin dito sa Tomo News...agree kami sa kanya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH