Taiwanese beauty pageant winner, tinawag na pangit!
Taiwan beauty pageant winner, tinawag na pangit?!
Ang 24-year-old na si Hsieh Yi Fang ay ang bagong winner ng Cherry Blossom Princess beauty pageant, sa Taipei.
At may mga taong hindi natutuwa sa kanya....dahil para sa kanila, ay higit na maganda ang ibang kandidatong hindi nanalo. Karamihan ng mga ito ay naglabas ng sama ng loob sa Internet.
At kahit na itinanghal nang Cherry Blossom Princess si Hsieh, may mga netizens na nagsabing mas pangit pa siya kaysa sa isang matandang prostitute! Super harsh naman!
Para kay Hsieh, hindi raw siya nagpapaapekto sa malupit na pamimintas ng mga tao, dahil alam niyang ang lahat ng tao ay unique at espesyal.
Tama! Kaya nga sinasabi nila na "beauty is in the eye of the beholder," diba? Sobrang harsh naman talaga ng mga netizens na ito...tingnan kaya nila muna ang kanilang sarili bago ganyan mamintas ng iba?!
Ang pageant ay jinudge ng online voters, kaya anuman ang sabihin ng mga haters, alam natin na marami-raming tao ang gusto at sinusuportahan si Hsieh.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH