Batang siga, 14, binaril ang isang inosenteng lalaki, sa isang bus sa Brooklyn!
Batang siga, binaril ang karibal -- tinamaan ang isang inosenteng ama!
Isnag 14-year-old na batang lalaki ang bumaril sa isang bus sa Brooklyn noong Huwebes...
At napatay ang inosenteng ama na si Angel Rojas, na nilipat mula sa Dominican Republic papunta sa New York ang kanyang pamilya, apat na taon nang nakalipas -- para mapabuti ang kanilang buhay.
Si Rojas ay kumuha ng dalawang trabaho. Matapos ang labindalawnag oras ng pagtrabaho sa isang tindahan ng prutas, sumasakay siya sa B15 bus pauwi, para yakapin ang kanyang asawa't dalawnag anak, bago siya tutuloy sa kanyang ikalawang trabaho, sa isang deli.
Itong nakaraang Huwebes, ang bus na sinakyan ni Rojas ay sinakyan rin ng 14-year-old na siga na si Katon Anderson.
Nakita ni Anderson na sumakay ang isa niyang karibal sa bus, at mabilis niyang nilabas ang kanyang baril.
Ayon sa mga witness, tatlo o apat na beses na nagpaputok ng baril si Anderson.
Hindi niya natamaan ang kanyang target, pero napatay niya si Rojas, na natamaan ng bala sa likod ng ulo.
Natagpuan ng pulis si Anderson sa isang nalalapit na Laundromat, dala ang murder weapon.
Ilang linggo lamang ang nakalipas, nang isang lalaking ayaw magbayad ng pamasahe sa bus ang bumaril sa isang New York police officer.
Asan na ang gun control?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH