California Senator Leland Yee, naaresto para sa illegal firearms smuggling!

2015-04-14 2

Campaign runner by day, gun runner by night: ito ang kuwento ni Leland Yee.

Ang California State Senator na si Leland Yee, isa sa pinaka-vocal na gun control advocate, ay nabuking ng FBI kamakailan lang, para sa ilegal na firearm trafficking, at pati na rin ng public corruption.

Habang nagsasalitan si Yee laban sa baril, at nagpepetisyon para sa mga gun control bills, siya at ang kanyang campaign manager na si Keith Jackson ay nagkikita nang sikreto, kasama ang mga undercover agents, para sa isang multi-million dollar na arms sale.

California Senator Leland Yee, naaresto para sa illegal firearms smuggling!


Humingi si Yee ng political donations, kapalit ng pagpapakilala ng isang lalaking isa palang undercover FBI agent, sa isang arms trafficker, at nilakad ang agent sa buong proseso ng pag-smuggle ng firearms mula sa Pilipinas, hanggang sa US.

Tumanggap din ng cash si Yee mula sa isa pang undercover agent, para mag-setup ng isang meeting, at sa isa pang pagkakataon, tumanggap siya ng cash mula sa FBI, kapalit ng isang proclamation sa Senado.

Si Yee ay naaresto noong Miyerkules, kasama ng dalawampu't limang tao, kung saan kabilang si Raymond 'Shrimp Boy' Chow. Mukhang magkakaroon ng Chinese food sa menu sa bilangguan!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH