Hit-and-run suspect, nag-plead ng NOT guilty sa pagpatay sa isang college student!
Hit-and-run suspect, dineny na pinatay niya ang isang college student!
Isang lalaki sa New Jersey ang nag-plead ng NOT guilty sa isang 2012 hit-and-run. Ang katawan ng biktima ay natagpuan, malapit sa Rutgers University noong February 15.
Ang 22-year-old na dating Rutgers student na si William McCaw ay nasa New Brunswick. Madaling araw noong February 15, umalis siya mula sa isang house party para magpunta sa isa pang get together.
Doon niya na-engkwentro si Timothy Puskas, na pinatay siya. Hindi pa nalalaman ang motibo sa likod ng asulto.
Natagpuan ang katawan ni McCaw sa bakuran ng isang bahay, malapit sa campus, 10:30 ng umaga kinabukasan.
Ang murder na ito ay hindi na unang beses ng paglabag diumano ni Puskas sa batas. Noong January 25, 2012, ang dating computer analyst at nakabangga ng isang cyclist sa Georges Road.
Tumakas si Puskas, at iniwan niyang mamatay sa eksena ng aksidente ang 26-year-old na father of two na si Leonel Lopez Hernandez.
Ang bail para sa murder ni McCaw ay naka-set sa 5 million dollars, pero icha-challeng daw ito ng kanyang abogado na si Richard Barker.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH