Teenager, pinatay ang kanyang pamilya, dahil sa Grand Auto Theft 5!

2015-04-14 1

Teenager, pinatay ang kanyang pamilya, dahil sa Grand Auto Theft 5!



Lalaking teenager sa Idaho, minachete ang ama at kapatid!

Ang 14-year-old na si Eldon Samuel the Third ay haharap sa dalawang kaso ng first-degree murder, sa kanyang pagpatay sa kanyang ama, at 13-year-old na kapatid na lalaki, Lunes ng gabi, sa Couer d'Alene, Idaho.

Ang ama ni Eldon ay nagsasalita daw tungkol sa mga zombies, at binaril ang kanilang bahay mula sa labas.

Nag-away ang mag-ama sa loob ng bahay. Nakuha ni Eldon ang baril mula sa kanyang ama, at binaril ito sa tiyan.

Binaril pa ni Eldon ng tatlong beses sa ulo ang kanyang ama...

Bago niya ginamit ang shotgun para barilin ng apat na beses ang kanyang kapatid. Pagkatapos ay kumuha si Eldon ng kutsilyo at machete, at pinagsasaksak ang kanyang kapatid.

Pagkatapos, ay tumawag sa pulis si Eldon at nag-confess sa kanyang krimen.

Pagdating ng pulis, si Eldon ay natakpan ng dugo, pero nanantiling kalmado at walang pinakitang emosyon.

Sinabi raw niya sa pulis na idolo niya si Trevor ng Grand Auto Theft 5, dahil may anger issues ito at mahilig mambaril ng mga tao.

Nag-confess din si Eldon na walong buwan na niyang pinaplanong patayin ang kanyang ama at kapatid.

Kapag siya ay na-convict, si Eldon ay makakasuhan bilang isang adult, para sa dalawang bilang ng first-degree murder, at maari siyang makulong nang habambuhay.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH