Bloomberg News Asia, nilayasan ni editor Ben Richardson, dahil masyadong silang sispsip sa China!

2015-04-14 1

Bloomberg News Asia, nilayasan ni editor Ben Richardson, dahil masyadong silang sispsip sa China!


Beteranong editor ng Bloomberg News na si Ben Richardson, nag-resign mula sa trabaho.

Si Ben Richardson, isang editor sa Bloomberg News Asia, ay nag-resign matapos ang labing-tatlong taon sa kompanya -- bilang pag-protesta sa pag-handle ng kompanya sa isang imvestigative report sa China, noong isang taon.

Ang story in question ay ang ang pag-imbestiga diumano sap era, koneksiyon sa gobyerno, at impluwensiya ng billionaire na si Wang Jianlin, na may-ari ng AMC movie theater chain sa Estados Unidos.

Ayon kay Richardson, ang istorya ay binago at pinaikli nang sobra, hanggang sa umabot na sa punto na hindi na ito natuloy -- ang desisyon na ito ay ginawa sa isang conference call kung saan nakisali ang napakaraming miyembro ng Bloomberg management.

Ang Bloomberg ay mukhang okay naman sa kanilang pag-se-sell out, para lang kumita ng pera sa China. Kung ganoon din lang, ay makipag-partner na lang sila sa Xinhua.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH