Isang ina, tinangkang pahiyain ang anak sa Facebook - pero nag-backfire ang kanyang plano!

2015-04-14 1

Isang ina, tinangkang pahiyain ang anak sa Facebook - pero nag-backfire ang kanyang plano!


Ina, tinuruan ng leksiyon ang anak tungkol sa Facebook -- nag-backfire!

Ang 12-year-old na anak ni Kira Hudson, na si Amia, ay gustong magkaroon ng Facebook account, pero hindi sang-ayon ditto si Kira.

Para mapatunayan na siya ay tama, nag-post si Kira ng litrato ni Amia sa Facebook, at sinabihan ang mga tao na i-like at i-share ito -- para maipakita kay Amia kung gaano kabilis kumalat ang mga bagay-bagay sa Facebook.

Pero hindi inakala ni Kira na ang litrato ni Amia ay mashe-share ng libo-libong beses, at umabot pa sa 4Chan -- na may mga users na kilala para sa kanilang pagiging mapagtanggol, at loko-loko.

Ni-repost ng mga 4Channers ang litrato ni Amia, nang ganito...at ganito. Pagkatapos, ay hinanap nila ang address at phone number ni Kira, at tinawag-tawagan nila ito, at pindalhan siya ng mga pizza.

Sa huli, ay natuto rin si Kira at tinanggal ang litrato ni Amia sa Internet. Hindi namin alam kung ano ang masasabi ni Amia, pero may feeling kami na nahiya ito sa ginawa ng kanyang ina.

At hindi pa iyan ang ending! Pinublish ng Huffington Post ang isang sulat mula kay kKra, na nagpasalamat sa Internet sa pagturo sa kanya ng mahalagang leksiyon tungkol sa online security. Sinulat din niya na inatake ng mga 4Channers ang dati nilang tirahan, at humihingi siya ng paumanhin mula sa bagong residente ng bahay.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH