CNN reporters, naaresto sa pag-trespass sa Freedom Tower sa NYC!

2015-04-14 1

CNN reporters, naaresto sa pag-trespass sa Freedom Tower sa NYC!


CNN reporters, naaresto dahil tinagkang pasukin ang 1 WTC.

Mukhang kayang-kaya ng kahit na sino na pasukin ang World Trade Center...pwera lang sa mga CNN reporters.

Naalala niyo ba ang mga daredevils na nag-parachute mula sa 1 World Trade Center noong isang taon?

At itong 16-year-old na bata na nakaakyat nang hindi nahuhuli, sa tuktok ng building, na may 1,776 feet ang taas?

Itong nakaraang Martes, dalawang CNN producers, sina Yon Pomrenza at Connor Boals, ang nakaisip na pasukin rin ang 1 World Trade Center para patunayan na madali nga itong gawin, kahit na mahigit sa dalawang daang security ang nakabantay. Sinubukan nila ito, at sila ay nahuli.

Ayon sa police reports, ang dalawa, na may dalang full-sized camera at isang GoPro,

Ay nagpunta sa nakaharang na World Trade Center site sa Veser at Washington, pagkatapos lang ng lunchtime.

Sinubukan nilang pumasok sa isang gate na medyo nakabukas, pero doon sila nahuli.

Ouch.

Hindi sila sumuko, at nagpatuloy sila sa Veser hanggang sa umabot na sila sa PATH station entrance...

Kung saan sinubukan ni Boals na talunin ang harang, nang dalawang beses.

Determinado talaga ang mga reporters, dahil sumubk silang muli, sa may Church naman...

Kung saan pinilit nilang pasukin ang isang gate.

At doon sila naaresto. Finally!

Sinabi ng PAPD sa Reuters na sinabi ng dalawang reporters, na kung nakapasok ang isang 16-year-old sa site, makakapasok rin sila. Pero dinagdag ng pulis na ang teenager ay at least naghintay na kumilos nang alas kuwatro ng madaling araw.

Ayon sa isang CNN spokeswoman, ang mga reporters ay on assignment, pero hindi sila binigyan ng instructions na mag-trespass sa building.

Ay para sa mga hindi nakakaalala sa mga daredevils na tumalon mula sa Freedom Tower, ang kanilang video ay nasa YouTube. Panoorin ang sneak peek dito, o puntahan ang kanilang channel.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Free Traffic Exchange