Babae sa Michigan, brutal na binugbog ng tatlong lalaki -- dahil sa gay marriage!
Isang babae ang inatake ng tatlong lalaking napanood ang babae sa isang TV news report, kung saan pinakasalan niya ang isa pang babae, sa pag-repeal ng gay marriage ban sa Michigan.
Ang 28-year-old na babae ay bumaba sa bus sa Ypsilanti Township, sa labas ng Ann Arbor.
Naglakad siya sa parking lot sa Roundtree Apartments, alas sais ng gabi...kung saan nilapitan siya ng tatlong lalaki.
Nakilala ng mga lalaki ang babae sa TV, at nagbitaw sila ng mabibigat na salita laban sa kanya.
Isa sa mga lalaki ang sinuntok diumano ang babae sa kanyang mukha, at nawalan ng malay at nahulog ang babae sa sahig.
Nang nagkamalay siyang muli, ay nasipa siya sa dibdib ng isa sa mga lalaki, bago sila nagtakbuhan mula sa eksena.
Nagkaroon ng pinsala sa kanyang mata, braso, at katawan. Kapag nahanap ang mga suspects, maari silang sampahan ng kasong hate crime.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH