Estudyante sa Taiwan, sinugod ang legislature para labanan ang Taiwan-China trade pact!

2015-04-14 1

Estudyante sa Taiwan, sinugod ang legislature para labanan ang Taiwan-China trade pact!



Mga estudyante sa Taiwan, nagpunta sa parliament, para mag-protesta!

Lampas tatlong daang estudyante ang sumugod papunta sa Taiwan parliament, para i-protesta ang isang trade pact ng Taiwan at China, na nais ipagpatuloy ni President Ma Ying-Jeou, kahit na hindi pumayag ang mga Taiwanese.

Nagpunta ang mga estudyante sa legislative chamber, alas nuwebe ng gabi, at hanggang hatinggabi ay hindi sila napaalis ng napakaraming pulis na naitawag diumano sa eksena.

Ang trade pact na kanilang pino-protesta, ay bibigyan ng karapatan ang China na mag-invest sa animnapi't apat na industriya sa Taiwan, at maari rin silang magbukas ng branch ng kanilang kompanya sa Taiwan. Ang China ay makakakuha ng economic integration, at mas lalong yayaman ang KMT party ni President Ma.

Hangga't sa pumapayag si Ma na gawin ng China ang kahit na anong gusto niyong gawin...at hangga't hindi naiintindihan ng mga KMT legislators ang tunay na ibig sabihin ng demokrasya...anong say niyo na ang mga estudyante na lang sa Taiwan, ang bahala sa bansa?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH