Taiwanese na kolehiyala, pinatay ng boyfriend sa pamamagitan ng propane gas!
Isang kolehiyala, pinatay ng boyfriend sa pamamagitan ng propane!
Isang kolehiyala ang na-suffocate ng kanyang boyfriend, na may asawa, na gumamit ng propane gas.
Ang 23-year-old na Taiwanese na college student na si Chen ay pinatay diumano noong isang taon, ng 38-year-old niyang boyfriend, na isa ring private investigator, na si Huang Wen-Jin. Nang natagpuan ng pulis ang katawan ng biktima, halos buto na lang ang natira.
Apat na taon nang nakalipas, nang nambabae ang dating boyfriend ni Chen, at si Chen ay humingi ng tulong mula sa isang manghuhula...pero walang nangyari.
Pinakilala ng manghuhula si Chen kay Huang, at kahit na nalaman ni Chen na si Huang ay may asawa na't isa pang kerida, na-in-love pa rin siya dito, at pumayag na sila'y magkaroon ng relasyon.
Binenta ni Chen ang bahay na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang, para magkaroon si Huang ng pera para sa kanyang private investigation agency.
Pero mukhang nakipaghiwalay si Huang kay Chen, matapos niyang makuha ang pera, at nang hindi ito tinanggap ni Chen, plinano na ni Huang ang plano ng pagpatay sa babae.
Nagpunta si Chen sa isa pang manghuhula, at umasang magkabalikan pa sila ni Huang. Alam ito ni Huang, kaya pinagkunwari niya ang kaibigan niyang si Shi Kun-Zhi na assistant ng manghuhula. Binigyan ni Shi si Chen ng tubig na may halong date rape drug at sleeping pills, na sinabi niyang isang magic potion na magpapawala ng mga masasamang ispiritu.
Pagkatapos ay dinala ni Shi ang walang malay na si Chen sa apartment ni Huang, na nagbayad ng 1,300 USD para sa serbisyo ni Shi.
Nag-spray diumano ng propane gas si Huang, sa ilong at bibig ni Chen, ng sampung minute -- na ikinamatay ng babae.
Tinapon diumano ni Huang ang katawan ni Chen sa isang ilog, at natagpuan ito ng pulis noong Pebrero.
Nadiskubre din ng pulis na posibleng binayaran ni Huang si Shi na pumatay ng iba pang babae, bago niya ginawang biktima si Chen. Ito ay dineny ni Shi.
Sa ilalim ng imbestigasyon, ay nabuking ang kasinungalingan ni Huang, na ilang beses na binago ang kanyang istorya.
Si Huang at Shi ay nakasuhan itong linggo ng murder, at holding a person against their will. Iniimbestigahan pa ng pulis ang posibilidad na sangkot ang dalawang lalaki sa iba pang mga krimen.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH