Pulis, inasulto ang isang babaeng walang ginawa, sa gitna ng isang riot!
Police officer sa Tucson, nang-asulto ng isang babae.
Iniimbestigahan ng pulis sa Tucson, Arizona, ang isang insidente na nakunan ng video, kung saan ang isang batang babae ang bayolenteng inatake ng isang police officer -- nang walang dahilan.
Ang asulto ay nangyari sa isang riot, matapos ang NCAA tournament, Sabado ng gabi.Natalo ang University of Arizona sa Univeristy of Wisconsin, at naglabas ng sama ng loob ang mga Arizona supporters sa kalsada. Nagpunta ang riot police para maiayos ang gulo, at isang dosenang estudyante ang naaresto.
Sa gitna ng riot, isang babaeng nakikitang nag-te-text sa kanyang phone, ay biglang inasulto ng isang police officer na may dalang baton. Napalipad ang babae sa lakas ng tulak ng pulis, at tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan. Sinigawan ng mga saksi ang officer, at sinabing walang kasalanan ang babae.
Ang babae ay hindi seryosong nasaktan, at sinabi ng Tucson police department na pinag-aaralan nila ang kaso para malaman kung na-violate ng officer ang kanilang protocol.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH