Asawa ng Taiwanese na negosyante, dinemanda ang kerida matapos makakuha ng ebidensiya!
Busted! Asawa ng isang business tycoon, nahuli siyang nagte-text sa kanyang kerida!
Ayon sa negosyanteng ito, ang pag-exercise ay nakakatulong sa ating pag-iisip. Ang tanong ay, ang pag-exercise sa kama ay may parehong benefits din?
Si Zheng Yue-Cai ay isang negosyante na may-ari ng isang luxury resort sa eastern Taiwanese city na Taitung. Nagsimula siyang magpunta sa China, para mapalawak ang kanyang negosyo.
Nag-hire ang 61-year-old ng isang babaeng employado, na mas bata sa kanya ng dalawampu't tatlong taon, para tulungan siya sa kanyang mga real estate na negosyo sa China.
Pagbalik nilang dalawa sa Taiwan, naghalo na sila ng pleasure sa kanilang business.
Kahit na nagsuspetya ang asawa ni Zheng na may affair si Zheng at ang babaeng si Yu, wala siyang ebidensiya -- pero nang bumili ng bagong cellphone si Zheng noong 2012, nakuha ng asawa niya ang luma niyang cell phone, at nakita ang mga malalaswang messages na pinadala ni Yu kay Zheng.
Nakuha rin ng asawa ni Zhen gang ilang dosenang mga litratong galing pa sa 2010, ng mga business associates na 'nag-close ng iilang mga deals.'
Napaamin din si Zheng sa lahat, at sinabi niya sa kanyang asawa na nag-rent siya ng apartment sa Taipei, para regular niyang nakikita si Yu.
Sinentensiya ng Taipei District Court si Yu ng apat na buwang pagkabilanggo, para sa adultery. Pero maari siyang makaiwas sa jail, kung mababayaran niya ang multa sa halagang 4000 USD.
At para naman sa mga litrato, kahit na sinabi ni Yu na bilang isang babaeng may pinag-aralan, ay hinding-hindi niya magagawa ang katangahan na kunan ang sarili ng mga litratong malalaswa. Hindi na ito pinaniwalaan ng judge, dahil may sapat na ebidensiya laban sa kanya.
Bukod sa sariling multa at posibleng pagkabilanggo, inutos din ng judge na bayaran ni Yu ang halagang 23,000USD sa asawa ni Zheng.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH